^

Metro

Alok ng Marina: Pasa load para sa mga tipster

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nakatulong ka na, may pasa load ka pa!

Ito ang ginawang panghi­hi­ka­yat ng pamunuan ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa mga kababayan nating sasakay sa mga barko pauwi sa kanilang mga la­lawigan ngayong Mahal na Araw.

Layunin nito na maging maayos at ligtas ang mga pagbibiyahe sa karagatan ng ating mga kababayan.

Ayon sa MARINA maka­ka­tulong ang publiko na ire­port kaagad sa kanilang tang­gapan sakaling may mapu­puna na paglabag sa maritime safety, na maaaring maging sanhi ng trahedya sa dagat.

Bilang pabuya, sinumang magbibigay ng impormasyon ay makakatanggap ng pasa­load na P50 , subalit iwasan umano na manloko o ang prank messages.

Nilinaw kahapon ni Marina Administrator Maria Elena Bautista na mas magkaka­gastos pa ang mga nagpapa­dala ng prank messages dahil P2.50 kada text at hindi naman awtomatiko ang pag­bibigay ng pasaload o “Pasa Hero” ng kanilang tanggapan dahil ibeberipika muna ito kung totoo ang sinasaad ng impormasyon.

Sinimulan ang nasabing programa dahil napapanahon ngayon ang mga pagbiyahe sa paggunita ng Semana Santa.

Para sa mga pasaherong nais magbigay ng impor­masyon.

Mag-text lamang ng AZUL sa 2985 at dapat ay i-type din ang  “Marina (space) Sum­bong” (space), name, slash, area, slash, ang kanilang barko na may paglabag sa maritime safety tulad ng over­loading, kawalan ng sapat na  life jackets, paggamit ng mono­bloc chairs sa halip na mga upuan na nakadikit sa sahig, pag-inom o pagka­karoon ng hindi magandang asal ng tripulante, maruming comfort rooms at kawalan ng safety demonstration bago maglayag ang barko.

ARAW

AYON

BILANG

MARINA ADMINISTRATOR MARIA ELENA BAUTISTA

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

PASA HERO

SEMANA SANTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with