^

Metro

'Trigger happy' gumagala, namamaril sa Tondo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hinahanting ngayon ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaki na sinasabing ‘trigger happy’ na wa­ lang habas na nama­maril habang sakay ng motor­siklo kung saan ilang katao na rin ang nagi­ging biktima ng mga ito sa magkaka­sunod na pang­yayari sa Tondo, Maynila.

Masusing inaalam ng pulisya ang pagka­ka­ki­lan­lan sa dalawang sus­pek na pinanini­walaang gumagala at namamaril ng sinu­mang makursunada­han, sakay ng di napla­kahang motor­siklo.

Unang nabaril sa ka­liwang pisngi ang nagla­lakad lamang na si Law­rence Ventanilla, 30, resi­dente ng Zara­gosa St. Tondo, na umano’y nang­­galing sa isang ‘pa­basa’. Siya ay gina­gamot sa UST Hos­pital kaha­pon ng ma­daling-araw.

Kasunod nito, na­baril naman sa paa at tuhod sina Brian Quinto, 20, at Julito Ellies, 19, na kapwa isinugod sa Jose Reyes Memorial Medi­cal Center

Sa ulat ni P/Supt. Ernesto Tendero, hepe ng MPD-Station 1, da­kong alas-2 ng ma­da­ling-araw ng nagsi­mu­lang maganap ang pa­mamaril sa kanto ng Quezon at Capulong Sts., Tondo, Maynila

Nakasalubong uma­no ng naglalakad na si Ven­tanilla ang riding in tandem na mga suspek na naka­takip ng tuwalya ang mga mukha na walang sabi-sabing pinaputukan siya sa mukha.

Habang papa­ta­­kas naman ay pinag­babaril din ng dalawang suspek sa direksiyon ng Que­zon st. sina Quinto at Ellies, na wala namang alam umano kung bakit sila tinarget.

Maging ang mobile patrol car ng MPD-Station 1 na humabol sa pa­pa­takas na mga sus­pek ay pina­putukan din umano ng mga ito.

 Agad namang ini­utos ni Tendero ang paglalagay ng choke points at roving sa huris­diksiyon ng station 1 upang masakote ang mga suspek subalit bigo ring mahuli ang mga ito.

Una nang napaulat na dalawang lalaki din na nakatakip ng tuwalya ang mukha at sakay ng isang motorsiklo ang reponsable sa pama­maril sa mga bik­timang sina si  Fernan Ariola, at ang kaibigan nitong si Jason Atilano, 20 sa Tondo, kamakailan.

Si Ariola ay binawian ng buhay dahil sa tama ng bala sa ulo, leeg at dibdib habang si Atilano ay kasa­lukuyan pang naka-confine sa Mary Jhonston Hospital.

BRIAN QUINTO

CAPULONG STS

ERNESTO TENDERO

FERNAN ARIOLA

JASON ATILANO

JOSE REYES MEMORIAL MEDI

JULITO ELLIES

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with