Estibador biktima ng salvaging

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang bik­tima ng extra-judicial killing o salvage ang isang 21-anyos na estibador na natagpuang nakasilid sa sako, may marka ng sakal sa leeg at naka­balot ng packaging tape ang mukha sa Binondo, Maynila ka­hapon ng madaling-araw.

Bago madiskubre ang bangkay ng biktimang si Joselito Mercader ng 325 A. Velasquez st., Binondo ay pinaghahanap na ito ng mga kaanak sa ilang him­pilan ng pulisya sa halos 24 na oras.

Dalawang lalaki ang inaalam ang pagkilanlan na huling kausap ng biktima at iniimbesti­gahan din kung kaninong owner-type jeep at isang Toyota Corolla na kulay grey ang nakitang naka­parada sa lugar kung saan nakita ang sako na may katawan ng biktima.

Nabatid na huling na­kitang buhay ang biktima dakong ala-1:30 ng ma­daling-araw noong Sa­bado habang naglalaro ng pusoy sa burol ng kanyang tiyuhin.

Ayon umano sa mga ka­anak, naglalaro ng pusoy ang biktima sa lamayan noong madaling araw ng Sabado nang mapansin na umalis ito nang dalawang beses at dalawang lalaki ang naki­tang kinakausap nito, bago bumalik sa burol at muling umalis. (Ludy Bermudo)

Show comments