^

Metro

Akyat bahay nahulog sa bubong, todas

- Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Minsan pang pinatu­nayan ang kasabihan na ang “masamang gawain ay laging may kaakibat rin na masamang karma” makaraang mabasag ang bungo ng isang mi­yembro ng “Akyat-Bahay” gang na agad na ikina­sawi nito matapos itong madulas at mahu­log mula sa bubong ng pinagna­nakawan nilang bahay kahapon ng ma­da­ling-araw sa Las Piñas City.

Nagkabali-bali rin ang katawan nang dam­putin sa sementadong sahig ang bangkay ng bikti­mang si Silly Portillo, 29 anyos, at residente ng Sandigan Compound, Naga Road, Pulang Lupa 1, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbesti­gasyon ni PO3 Richard Credo ng Investigation and Detective Management Section, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang unang pasu­kin ng nasawing suspect at isa pang kasamahan nito ang pamamahay ni Judith Ang sa No. 42-A Hilario St., Saint Joseph Subdivision, Pulang Lupa Dos, Las Piñas City.

Ang nasawing suspek at isang hindi pa nakiki­lalang kasamahan nito ay umakyat muna sa bu­bong ng ikatlong palapag upang doon dumaan papasok sa bahay ng ginang.

Narinig naman uma­no ng biktima ang mga kaluskos at nang suriin niya ito ay nakita niya ang mga suspek habang papasok sa bintana na nasa ikala­wang palapag ng kani­yang bahay.

Bunga nito ay agad na lumabas ng bahay ang ginang at nagsisigaw na humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Na­­alarma at nata­ranta ang mga suspek kaya bu­malik sila sa tuk­tok ng bubong ng bahay para tumakas pero, sa hindi inaasa­hang pagka­ka­taon, na­dulas si Portillo dahilan upang una ulo itong tuluy-tuloy na bu­mag­sak sa sementadong sahig na naging dahilan ng ka­niyang agarang pagkasawi.

vuukle comment

A HILARIO ST.

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

JUDITH ANG

LAS PI

NAGA ROAD

PULANG LUPA

PULANG LUPA DOS

RICHARD CREDO

SAINT JOSEPH SUBDIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with