^

Metro

Buntis at pilay ginagamit ng sindikato ng 'Salisi Gang'

-

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng pamunuan ng Quezon City Police ang mga mamamayan lalo na ang mga nagtutungo sa mga bus terminal, mall at restaurants laban sa sindikato ng “Salisi gang” na gumagamit ng buntis at pilay na lalake para hindi mahalata sa kanilang iligal na operasyon.

Ayon sa pamunuan ng QCPD, ang nasabing grupo ay gumagala ngayon sa mga bus terminal, fast food chain at restaurants kung saan batid nilang nagkukumpulan ang mga tao at madaling malingat sa kanilang gamit sa san­daling magkaroon ng konting aberya.

Sinasabing ang modus ope­randi ng sindikato ay pag­papalapit sa kasamahan nilang buntis na babae saka lalapitan ang kanilang target na biktima habang ang isang pilay naman ang manglalanse dito. Sa sandaling malingat ang kanilang target ay saka mabilis na dadamputin ng mga ito ang gamit ng biktima at agad na aalis sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, isa sa nabik­tima ng grupo ay ang arkitek­tong si Lourdes Cruz, 43,   ng   Sct. Delgado St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Nangyari ang insidente sa isang Jay-jay restaurant na matatagpuan sa Mo. Ignacia st., corner Timog Avenue sa lungsod.

Diumano, kumakain ang biktima sa nasabing lugar nang dumating ang mga suspek kung saan nagkun­wari ring kostumer kung saan nang makalingat ang biktima ay   mabilis na dinampot ang bag nito na naglalaman ng P8,000 cash at iba’t ibang iden­tification cards.

Sinasabing dahil buntis ay wala sa isipan ng biktima na may masama itong gagawin, ngunit paraan lamang pala ito ng nasabing grupo para magtiwala ito at sa sandaling makakuha ng tiyempo ay saka sisimulan ang kanilang pag-atake.

Ayon sa pulisya, ang ga­nitong modus ay hindi kaagad malalaman ng mga mama­mayan kung kaya kailangang bigyan sila ng babala para makaiwas sa mga ito lalo nga­yong inaasahang dadagsa ang mga tao sa mga nasabing lugar para magbakasyon. (Ricky Tulipat)

AYON

DELGADO ST.

LAGING HANDA

LOURDES CRUZ

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RICKY TULIPAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with