^

Metro

Subport sa Zambo, todo-bantay sa BI

-

MANILA, Philippines - Upang masiguro na wa­lang dayuhang teroristang makakalusot papasok ng bansa, ipinag-utos na ng Bureau of Immigration (BI) ang higit na paghihigpit sa subport sa Zamboanga City.

Ayon kay Bureau of Im­migration Commissioner Mar­celino C. Libanan, lilikha sila ng comprehensive datebase para sa pag-beripika, imbesti­gasyon at pagpapakulong sa mga maituturing na undesir­able aliens.

Layon aniya nito na ma­tiyak na walang mga di ka­nais-nais na dayuhan ang ma­daling makakapasok sa bansa. Magsisilbi rin umanong babala ito para sa mga dayuhan na maghigpit ang ginagawang pagba­bantay ng ahensya sa mga ports of entry sa bansa.

Batay sa mga unang napa­ulat, ang mga ports of entry sa South ang tinatarget ng mga dayuhan na nais makapasok ng ilegal sa bansa. Ginagamit din umano itong jump-off point para sa mga illegal Filipino workers na nais makapasok sa Indonesia.

Sinabi naman ni Libanan, na dahil sa lumalalang banta ng terorismo, droga at human trafficking sa bansa, ma­ halaga ang pagkakaroon ng maximum security sa lahat ng ports of entry. (Gemma Amargo-Garcia)

AYON

BATAY

BUREAU OF IM

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MAR

GEMMA AMARGO-GARCIA

LIBANAN

SHY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with