^

Metro

Sub-standards na LPG nasamsam ng NBI

-

MANILA, Philippines - Nakumpiska nang pinag­sanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Presidential Task Force on the Securities of Energy and Facilities and Enforce­ment of Energy Laws and Standards (PTF-SEFEELS) ang ilang sub-standard liquefied petroleum gas (LPG) cylinders sa isang operasyon sa lalawigan ng Bulacan.

Sa kanyang ulat kay NBI Director Atty. M. Mantaring, sinabi ni Atty. Romy Bon Huy D. Lim, hepe ng NBI-Criminal Intelligence Division (CID), na ang pagsalakay ay isinagawa sa tanggapan ng LPG dealer na si Sergio R. Sarmiento na matatagpuan sa Block 41, Lot 25, Barangay Lawang Pare, San Jose del Monte City, Bulacan.

Bago ang isinagawang pagsalakay nakatanggap uma­no ng ulat ang NBI at PTF-SEFEELS tungkol sa illegal na operasyon ng na­sabing establisyemento.

Matapos ang inspeksyon ay nadiskubre na lumabag sa Batas Pambansa Bilang 33,na inamyendahan ng Pre­sidential Decree No. 1865 ang estalisyemento dahil sa pag­gamit ng unbranded na LPG tanks kung saan walang na­ka­­lagay na timbang, walang tamang selyo, walang serial number, walang test date at walang uncertified tanks/cyclinder at hindi awtorisa­dong pag-repair dito.

Ang paggamit ng mga sub-standard na tangke ng LPG ay labag sa batas dahil maaari itong pagmulan ng sunog, maliban pa sa pagi­ging security, health at environment hazards.

Nagsasagawa pa umano ng inventory ang mga awto­ridad upang matukoy kung ilan ang eksaktong bilang ng mga LPG cylinders na ka­nilang nakumpiska nang isagawa ang pagsalakay noong Huwebes.

Ang PTF-SEFEELS ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of Energy (DOE), Department of Trade and Industry (DTI) at ng Bureau of Fire Protection (BFP). (Gemma Amargo-Garcia)

BARANGAY LAWANG PARE

BATAS PAMBANSA BILANG

BULACAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CRIMINAL INTELLIGENCE DIVISION

DECREE NO

DEPARTMENT OF ENERGY

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DIRECTOR ATTY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with