^

Metro

Pulis-Maynila kinuyog, kritikal

-

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang isang pulis-Maynila makaraang kuyugin ng mga hindi nakilalang lalaki kung saan pinagsasaksak at hinampas pa ito ng bato sa ulo, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City. Inooserbahan ng mga manggagamot sa Mandaluyong Medical Center ang biktimang nakilalang si PO1 Glenn Bolilan, 33 , nakatalaga sa District Mobile Force ng Manila Police District at naninirahan sa Brgy. Hulo, Mandaluyong. Sa ulat ni SPO2 Pablo Roxas, ng Criminal Investigation Unit, naganap ang krimen dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa may Barangka Drive, ng naturang lungsod. Nabatid na nanggaling sa isang inu­man ang biktima kasama pa ang ilan. Dito nakasalubong ng apat ang dalawang lalaki na nagparinig na walang ibang puwedeng maging maangas sa lugar. Dito naman sumagot ang isang kasama ng pulis kung sino ba ito sanhi upang magbunot ng patalim ang isa sa mga suspek at undayan ito ng saksak na nagawa namang makailag. Agad namang nagpakilala na pulis si Bolilan sanhi upang magtakbuhan ang dalawang suspek. Hinabol naman ng pulis ang dalawa hanggang sa makorner ito ng hindi mabatid na bilang ng mga lalaki na mga istambay sa may Kayu­manggi street, Brgy. Barangka Drive. Dito na kinuyog ang pulis ng mga suspek kung saan sinaksak ito at pinagpapalo ng bato sa ulo. Duguan at wala ng malay ang biktima nang tigilan ng mga suspek at respondehan ng mga opisyal ng barangay na nagsugod dito sa pagamutan. (Danilo Garcia)

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DANILO GARCIA

DISTRICT MOBILE FORCE

DITO

GLENN BOLILAN

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with