^

Metro

Inagaw na ang lover, pinatay pa

-

MANILA, Philippines - Inagawan na nang kinakasama, pinatay pa sa saksak ang isang lalaki matapos nitong komprontahin ang kanyang karibal sa pag-ibig kahapon sa Caloocan City.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Edwin Cruz, 23, ng Phase 3, Bagong Silang ng lungsod na ito.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Jeff Antillon, 22 at kalugar ng biktima,

Batay sa ulat ng Caloocan City Police, ala-1 ng hapon, kinompronta ng biktima ang suspek sa Phase 3, Bagong Silang dahil sa ginawang pag-agaw ng huli sa ka-live-in ng una na hindi na binanggit ang pangalan.

Umiwas ang suspek at tumakbo na naging dahilan upang habulin ng biktima subalit pagsapit sa isang kanto ay naglabas ng patalim si Antillon at sinalubong ng saksak ang humahabol na si Cruz.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman si Cruz sa nasabing ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay. (Lordeth Bonilla)

ANTILLON

BAGONG SILANG

BATAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CRUZ

EDWIN CRUZ

JEFF ANTILLON

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

LORDETH BONILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with