OFW tinodas ng 15-anyos
MANILA, Philippines - Dahil sa pagtatanggol sa kanyang ama nagawa ng isang 15-anyos na binatilyo na saksakin ng 16 na beses ang isang overseas Filipino worker (OFW) na ikinasawi ng huli kamakalawa ng hapon sa Paco, Maynila.
Nakilala ang nasawing OFW na si Jay Santiago at residente ng Interior 59, Mendiola Ext., Otis, Paco, Maynila na natadtad ng saksak sa katawan.
Naka-confine din naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang ama ng suspek na si Edmund Asoy, 40, residente rin ng lugar, bunga ng sugat na tinamo sa ulo nang paluin umano ni Santiago.
Nagawa pang isugod ng suspek sa ospital na itinago sa pangalang “Boy”, ang kanyang ama bago tuluyang magtago.
Sa ulat ni Det. Virgo Villareal ng Manila Police District -Homicide Section, dakong alas- 4:50 ng hapon nang maganap ang insidente sa Interior 84 Mendiola Ext.., Otis, Paco.
Nagkasagutan umano si Asoy at Santiago hanggang sa paluin ng huli sa ulo ang biktima, gamit ang matigas na bagay.
Dahil sa nakitang sitwasyon ng ama, hindi napigilan ng binatilyong suspek na gumanti at nang makakuha ng stainless na tinidor ay walang habas na itinarak ng paulit-ulit sa katawan ni Santiago.
- Latest
- Trending



















