^

Metro

Echiverri suportado ang Helmet Bill ni Revilla

-

MANILA, Philippines - Nagpahayag kahapon ng suporta si Caloocan City Mayor Enrico Echiverri sa Senate Bill 1863 ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na umoobliga sa mga nakasakay sa motorsiklo na mag­suot ng standard quality helmet. Sinabi ni Echiverri na bukod sa pagsuporta sa SB 1863 o Mandatory Helmet Bill, pinalalakas din niya ang kampanya sa pagmumulat sa mamamayan sa ligtas na paggamit ng motorsiklo. Noon pang taong 2005 ay mahigpit na pinatutupad sa lungsod ang pagsusuot ng helmet ng mga nagmamaneho at sumasakay ng motorsiklo.

Idinagdag ng alkalde na ang panukalang-batas ni Revilla ay malaking tulong sa ligtas na paglalakbay ng publiko. Bukod pa rito, inihayag niya na may binubuo ring safety education program ang pamahalaang lungsod para sa mga motorcycle riders na alin­sunod sa mga patakaran ng Traffic Management Code ng Caloocan.

BUKOD

CALOOCAN

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO ECHIVERRI

ECHIVERRI

IDINAGDAG

MANDATORY HELMET BILL

NAGPAHAYAG

REVILLA JR.

SENADOR RAMON

SENATE BILL

TRAFFIC MANAGEMENT CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with