Mayor Bernabe binatikos ng 100 pamilyang dinemolis

MANILA, Philippines - Umapela kahapon ng tulong sa pamahalaang lokal ng Para­ñaque City ang mahigit sa 100-pamilya na apektado sa isinasa­gawang demolisyon sa Brgy. San Antonio Valley 1 ng na­bang­­git na lungsod. Ayon sa mga apek­­­ta­dong mga residente na pawang kasapi ng Urban Poor of Wel­ling­ton Espiritu Com­­pound, na­pako na ang na­unang supor­tang ipinangako sa kanila ni Parañaque Mayor Flo­rencio Jun Bernabe.

Ayon pa sa mga residente, hanggang papel na lamang ang nilagdaang kautusan noon ni Bernabe na nangakong tu­tu­lu­ngan sila na maayos ang suli­ranin sa titirhang lugar. Una ring inamin umano ng pa­ma­halaang lungsod na wala pang pondo ang naturang kautu­san para ma­kabili ng lupang kanilang titira­han at unti-unting babayaran na lamang ito, subali’t hanggang sa ngayon ay wala ng nangyari at tila naka­limutan na ito ng gobyerno.

Nauwi sa matinding ten­ siyon at girian ang isinaga­wang demolisiyon sa naturang lugar nang paulanan ng bato at bote ang demolition team ha­bang ginigiba ang mga kaba­hayan da­kong alas-10, kamaka­lawa ng umaga. Bitbit ng demo­lition team na pinamunuan ni Sheriff Rey­naldo Nepomuceno ang demo­lition order na inisyu ni Judge Donato de Castro ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 77. Humupa la­mang ang ten­siyon makaraang pumagitna ang mga rumespon­deng pulis dakong alas-5 ng hapon. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments