^

Metro

Barangay kagawad itinumba

-

MANILA, Philippines - Isang kagawad sa barangay na presidente rin ng driver’s association ang napatay matapos paula­nan ng bala ng baril ng dalawang hindi nakikila­lang lalaki, habang naka­upo sa isang pampasahe­rong jeep, kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Joseph, 58,  ng Brgy. 102, Zone 8, District 1, at Pangulo ng Padre Rada, Velasquez Jeepney Drivers Association Inc.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa dibdib, braso at kanang hita. Hinihinalang 9 mm. caliber ang ginamit ng da­la­wang suspek na tuma­kas matapos ang pama­maril.

Sa report ng pulisya, dakong alas-2 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Ugbo at Velasquez Sts, Tondo.

Nabatid na habang naki­kipagkuwentuhan ang biktima sa harapan ng nakaparadang dyip (PTZ-829)  nang biglang pagba­barilin ng sumulpot na mga suspek.

Sinisilip na motibo ang pagiging konsehal ng bik­tima at ang alitan ng hawak na driver’s association na kaalyado umano ng Fede­ration of Jeepney Opera­tors and Drivers Associa­tion of the Philipiines (FEJODAP) sa isang gru­po na may rutang Velas­quez-Divisoria na ka­alyado naman ng Pasang Masda. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BRGY

DRIVERS ASSOCIA

DRIVERS ASSOCIATION INC

EDUARDO JOSEPH

JEEPNEY OPERA

LUDY BERMUDO

PADRE RADA

PASANG MASDA

SHY

VELASQUEZ STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with