^

Metro

Ginang kinatay ng akyat-bahay

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang makaraang ataduhin ito ng saksak ng tatlong hinihi­nalang mga miyembro ng “Akyat-Bahay” gang sa harapan mismo ng pamilya ng una makaraang puma­lag ito sa panloloob ng mga huli, kamakalawa ng ha­pon sa Las Piñas City.

Nasawi noon din sa pi­nangyarihan ng insidente sanhi ng maraming tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Nice Cor­minal, 36, residente ng Mang­gahan Compound,   BF Resort Village, Talon 2, nabanggit na lungsod.

Arestado naman sa isinagawang follow-up ope­ration ang isa sa mga sus­pect na kinilalang si Rolando Dizon, alyas “Dagay”.

Kasalukuyan namang target ngayon ng malawa­kang manhunt operation ang dalawa pang nakata­kas na mga suspect na ki­nilalang sina Victorino Col­minas at isang kinilala lamang sa alyas na “Gerry”.

Base sa ulat, dakong ala-1:10 ng hapon nang unang pasukin ng mga sus­pect ang bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Nabatid na nananang­ha­lian ang bik­tima kasama ang kanyang anak na lalaki at dalawang hipag nang dumating ang mga suspect na pawang lulan ng isang tricycle na minamaneho ni Dizon.

Habang lango sa alak, agad na pina­sok ni Victo­rino ang bahay at naiwan sa labas ang dalawang kasama nitong sina Gerry at Dizon na nagsilbing look-out.

Armado ng patalim, pilit ipinalalabas ng mga sus­pect ang salapi sa biktima subalit hindi umano tuma­lima ang huli at sa halip ay nagtatalak umano ito.

Dahil nag-iiskandalo na nakaaagaw-pansin sa mga kapitbahay, nairita umano ang mga suspect dahilan upang pagsa­saksakin nila ito sa hara­pan mismo ng kaniyang anak at mga hipag hang­gang sa duguan at walang buhay itong human­dusay.

Matapos ang pama­mas­lang at baga­ma’t walang nakuhang salapi ay agad namang tumakas ang mga suspect tungo sa hindi mabatid na direk­siyon gamit ang naturang tricycle. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

DIZON

GERRY

LAS PI

NICE COR

RESORT VILLAGE

ROLANDO DIZON

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

VICTORINO COL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with