Magkaaway patay sa rambulan

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang dalawang magka­away matapos ang isang rambulan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng sumpak sa katawan sina Jeremiah Metrio, 34, ng San Antonio St., at Luceno Magaddatu, 36, ng Zenia St., kapwa taga-Camarin ng lungsod na ito. Nadakip naman sina Antonio Rull, 29; Albert Magaddatu, 48 at Jojo Barel, 30, na sina­­sabing sangkot din sa naganap na rambol.

Sa ulat ng pulisya, alas-8 ng gabi, ng magsagupa ang grupo nina Metrio at Magaddatu sa San Antonio St., Camarin, Caloocan City. Sunud-sunod na putok ng sumpak ang narinig hanggang sa makitang kapwa nakabulagta ang dalawa. 

Nadakip naman ang kapatid ni Luceno at kapitbahay na si Barel habang nahuli rin si Rull na sinasabing katropa ni Metrio. (Lordeth Bonilla)

Show comments