^

Metro

20 konsehal ng Maynila kinasuhan sa oil depot

-

MANILA, Philippines - Kasong administratibo ang iniharap ng isang environmental group sa tanggapan ng Ombuds­man laban sa 20 konsehal ng Maynila na nag-am­yenda sa isang ordinansa sa lunsod para mapalawig pa ang pananatili ng oil depot ng mga dambuha­lang kompanya ng langis sa Maynila.

Ganap na alas-9:30 ng umaga kahapon isinampa ang kaso ng mga opisyal at miyembro ng Advocates for Environmental and Social Justice na pinamu­munuan ni Atty. Valdimir Alarique Cabigao.

Kabilang sa mga kina­suhan sina Manila Coun­cilors Arlene W. Koa, Ernesto M. Dionisio, Erick Ian O. Nieva, Moises T. Lim, Jesus M. Fajardo, Rolando M. Valeriano, Carlo V. Lopez, Ernesto C. Isip Jr., John Martin C. Nieto, Edward V.P. Ma­ceda gayundin sina Vic­toriano A. Melendez, Maria Sheilah H. Lacuna-Pa­ngan, Louisito N. Chua, Josefina M. Siscar, Ray­mund R. Yupangco, Ro­derick D. Valbuena, Lu­ciano M. Veloso, Danilo Victor Lacuna Jr., Salvador Philip H. Lacuna at John Russel Benedict M. Ibay.

Sa walong pahinang reklamo, sinabi ni Cabigao na nalabag ng mga natu­rang   konsehal sa ka­nilang oath of office at kina­suhan ng conduct prejudicial to public interest.

Sinabi pa ni Cabigao sa isang panayam na pinag -aaralan na rin nilang kasuhan ng criminal ang mga nabanggit na opisyal ng Maynila dahil sa gina­wang paglabag sa batas.

“Tingin ko may gumu­gulong na pera dyan kaya nagkaroon ng panibagong usapin, but I am not pin­pointing anyone of them na maaaring nakatanggap,” pahayag ni Cabigao. (Angie dela Cruz)

ARLENE W

CABIGAO

CARLO V

DANILO VICTOR LACUNA JR.

EDWARD V

ENVIRONMENTAL AND SOCIAL JUSTICE

ERICK IAN O

ERNESTO C

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with