^

Metro

Technician nagbigti o binigti?

-

MANILA, Philippines - Palaisipan sa pulisya kung kusang nagbigti at nagpa­tiwakal ang isang 27-anyos na technician makaraang matagpuang nakabulagta sa loob ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi, sa Tondo, Maynila.

Ang nakapagtataka ay nawawala ang lubid na ginamit nito kung ito ay nagbigti. Kinilala ang biktimang si Apolonio Castillo, ng Padre Rada St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang ma­tagpuan ang biktima sa inuupahan nitong kuwarto kasama pa ang isang okupanteng si Elisa Galacio.

Nagduda umano si Galacio kung bakit may marka ng pagsakal o pagbigti sa leeg gayung wala umanong nakitang anumang tali. Nawawala naman umano ang kordon o electric wire ng rice cooker nito na hinihinalang ginamit na panakal.

Ayon sa landlady na si Wilma Tanglaw, dakong alas- 9:30 ng umaga ng Lunes ay nakita niya pang buhay ang biktima. Nabatid na bago nakitang patay ang biktima, dismayado umano ito dahil ayaw ibigay sa kanyang pa­ngangalaga ang dalawang anak nila ng live-in partner na nakilala sa alyas na “Dang”.

Nabatid na noong Linggo, Marso 29, alas-11 ng gabi nang mag-away umano ang magka-live-in hinggil sa kustodiya ng 2 anak. Ikinagalit umano ni Dang ang pagna­nais ng biktima na makuha lamang ang mga anak at hindi na sila magsasama.

Posibleng imbestigahan ang live-in partner nito. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

APOLONIO CASTILLO

AYON

ELISA GALACIO

GALACIO

IKINAGALIT

LUDY BERMUDO

MAYNILA

NABATID

PADRE RADA ST.

WILMA TANGLAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with