^

Metro

Bataoil out, Rosales in bilang NCRPO chief

-

MANILA, Philippines - Tatlong police director sa Metro Manila ang na­apektuhan ng isinagawang rigodon sa PNP.

Ito ang inihayag kaha­pon ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa alinsunod sa reorganisas­yon at transformation program ng pambansang pulisya.

Nakatakdang manung­kulan bilang bagong Ma­nila Police District Director si Chief Supt. Rodolfo Mag­tibay kapalit ni Chief Supt. Roberto Rosales na hinirang na Director ng National Capital Region Police Office.

Si Rosales ay naka­takdang manungkulan ngayong araw ( Abril 1) sa ga­ganaping turn-over ceremony sa NCRPO.

Ito ay makaraang ita­laga si outgoing NCRPO Chief P/ Director Leopoldo Bataoil bilang bagong pinuno ng Northern Luzon-Directorate for Integrated Police Operations (DIPO) na sasakop sa Police Region Offices 1, 2, 3 at Cordillera. 

Papalitan naman ni Chief Supt. Samuel Pag­dilao Jr. bilang Northern Police District (NPD) Di­rector si Chief Supt. Erick Javier na itinalaga bilang Director ng Eastern Min­danao-DIPO.

Hahalili naman kay Chief Supt. Magtanggol Gatdula bilang Director ng Quezon City Police District si Sr. Supt. Elmo San Diego.

Si Gatdula ay itinala­gang pinuno ng bagong tatag na Directorate for Information and Commu­ni­cation Technology Ma­nage­ment na ang base ay sa Camp Crame para ma­sungkit nito ang kaniyang ikalawang estrelya.

Inihayag pa ng PNP Chief, ang panibagong pag­­galaw ay bunsod pa rin ng transformation program ng PNP para sa mas epek­tibong paglilingkod sa ma­mamayan sa buong bansa. (Joy Cantos)


CAMP CRAME

CHIEF

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF P

CHIEF SUPT

DIRECTOR

DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

EASTERN MIN

ELMO SAN DIEGO

ERICK JAVIER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with