^

Metro

Gastos sa graduation ng 29,900 students sinagot ni Recom

-

MANILA, Philippines - Tiyak na magiging mas masaya ang pagtatapos ng mahigit 29,900 estud­yante sa lungsod matapos ihayag kahapon ni Caloo­can City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na ili­libre nito ang mga gastusin sa graduation na kada­lasa’y pinapasan ng mga magulang.

Bukod pa rito, naka­takda ring ipagpatuloy ng Caloocan Mayor ang pag­bibigay nito ng “Best Teacher” at “Best Student” award at financial assistance sa mga natatanging guro at mag-aaral sa 86 pampublikong paaralan sa siyudad.

Ayon kay Echiverri, ba­gama’t nauna nang iniutos ng Department of Education (DepEd) na gawing simple ang graduation ceremony sa mga pampub­likong paaralan dahil sa nararanasang krisis, hindi pa rin maiwasan na gu­mas­tos ang mga magu­lang dahil sa iba’t ibang kon­tribusyon at graduation fees.

Dahil dito, nagpasya ang alkalde na sagutin ang gastusin ng mga magulang sa pag-arkila ng graduation toga para sa kanilang mga anak na magsisipag­tapos.

Inilibre rin ni Echiverri ang gagamiting sound system sa mga paaralan na ka­­dalasa’y kasama sa bina­bayaran na graduation fee.

Una rito, inisponsoran ng alkalde ang mga me­dalya at sertipiko na igina­wad sa mga top student ng mahigit 16,500 estud­yanteng iskolar ng mga day care center na pinata­takbo ng lungsod.

Iniutos din niya ang pagpapatupad ng “No toga policy” sa graduation sa lahat ng 198 day care centers upang hindi na maka­dagdag pa sa gastusin ng mga magulang.


AYON

BEST STUDENT

BEST TEACHER

BUKOD

CALOOCAN MAYOR

CITY MAYOR ENRICO

DEPARTMENT OF EDUCATION

ECHIVERRI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with