Band member todas sa aksidente

MANILA, Philippines - Patay agad ang mi­yem­bro ng isang banda makaraang sumalpok sa puno ng Ipil-ipil sa isang center island ang minama­neho niyang kotse kama­kalawa ng umaga sa C-5 Road Taguig City.

Dahil sa tindi ng pag­ka­kabangga natanggal ang buong hood ng harapan ng sasakyan at maging ang gitnang bahagi nito ay na­pitpit rin na parang lata na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Ruben “Jun” Lacanieta, 48, binata, miyembro ng “Amadeus Band.”

Galing sa isang kasa­mahan sa banda si Laca­nieta sa Brgy. Signal Vil­lage at nakipag-inuman ma­tapos manggaling sa pag­tugtog sa Mall of Asia sa Pasay City.

Bagaman nakainom na ay minabuti pa rin na umalis ng biktima at mina­neho pa rin niya ang kan­yang puting Honda City Sedan upang umuwi sa kanilang bahay sa Wak-Wak Subd., Man­dalu­yong City.

Habang binabaybay ng biktima ang kahabaan ng C5 Road, sumalpok ang kotse nito sa center island at bumangga pa sa isang puno ng Ipil-ipil.   (Rose Tamayo-Tesoro)


Show comments