^

Metro

Hipag hinipuan ni bayaw sa puwet

-

MANILA, Philippines - Hindi na hinintay pa ng isang 38-anyos na ginang na mauwi sa mas malalang sitwasyon kaya agad niyang ipinadakip ang kaniyang bayaw na nambastos at humipo sa kaniyang puwet at iba pang bahagi ng katawan sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Hawak ngayon ng Manila Police Dis­trict-Women and Children Concern Divi­sion ang suspek na si Armando Coloma, 37, binata, walang trabaho,   na inireklamo ng hipag niyang si Nimfa Bolanos, may-asawa at kapwa residente ng #1038 Valdez St., Sampaloc.

Kumakanta sa videoke sa loob ng bahay ang ginang nang dumating ang lasing na suspek at hinawakan ang kamay ng hipag.

Sa pagpalag ng ginang ay hinagod pa ng suspek ang kaniyang likod pataas mula sa beywang kaya sinigawan ang sus­pek na binalewala ng huli hanggang sa dakmain pa ang puwet ng hipag.

Sa galit ng ginang ay sinampal nito ang suspek at inireklamo sa awtoridad. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

ARMANDO COLOMA

HAWAK

KUMAKANTA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DIS

MAYNILA

NIMFA BOLANOS

VALDEZ ST.

WOMEN AND CHILDREN CONCERN DIVI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with