^

Metro

Service crew na nangarap maging pulis pinatay?

-

MANILA, Philippines - Isang malaking pala­isipan ngayon sa pu­lisya kung sadyang nag­pa­kamatay o pinatay ang isang fast food service crew kamakalawa ng madaling-araw sa Baran­gay Cembo, Ma­kati City.

Dahil wala ngang natagpuang suicide note, inaalam pa ni PO3 Jason David ng Station Investigation and Detective Management Branch kung posibleng nagka­roon ng “foul play” sa pagkamatay ni Angelito dela Torre, 21, service crew ng isang kilalang food chain, at residente ng Barangay Cembo.

Ang bangkay ng bik­tima ay natagpuan da­kong alas-3:00 ng ma­daling-araw na may na­katali na isang nylon cord sa leeg nito at nakabitin sa loob ng comfort room ng kanilang bahay.

Nabatid na, bago na­ganap ang insidente, pangarap ni dela Torre na kumuha ng kursong BS Criminology para maging pulis siya.

Dahil hindi nga kaya ng kanyang magulang na paaralin ang biktima, nagtanim ito ng sama ng loob at namasukan na lamang bilang service crew ng food chain.

Bunga nito, palagi itong nakiki­pag-inuman sa kanyang mga kabar­kada at umuuwing lasing.

Nasabi pa umano ng biktima sa mga bardaka nito ang kabiguan niyang maging pulis (Rose Tamayo-Tesoro)

BARAN

BARANGAY CEMBO

BUNGA

CEMBO

DAHIL

ISANG

JASON DAVID

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with