Ayaw mag-'sorry', tinodas

MANILA, Philippines - Dahil sa hindi pag­sabi ng “sorry”, pinatay sa saksak ang isang 25-anyos na binata mata­pos nitong aksidenteng mata­ pakan ang paa ng isang lalaki habang nanonood sila ng isang beauty contest sa Ma­labon City kamakalawa ng gabi.

Nalagutan ng hini­nga habang nilalapatan ng lunas sa Pagamu­tang Bayan ng Malabon ang biktimang si Alvin Ma­ nansala, taga Dump­site, Sitio 6, Barangay Cat­mon ng lungsod na ito. Nagtamo siya ng dala­wang saksak sa likod buhat sa isang patalim.

Inaalam pa ng Mala­bon City Police ang pa­ngalan ng suspek ha­bang isinusulat ito.

Nanonood sa natu­rang contest sa Sitio 6 sa Barangay Catmon si Manansala nang aksi­denteng matapakan niya ang paa ng suspek na nanonood din.

Sinita ng nagalit na suspek ang biktima pero hindi siya nito pinansin at hindi man lang ito hu­mingi ng pa­umanhin o mag-‘sorry’ man lang.

Dahil dito, binunot ng suspek ang nakatago nitong patalim at inun­dayan ng dalawang sak­ sak ang biktima sa likod.

Pagkatapos ay tu­ma­kas ang suspek at du­guang bumagsak ang biktima.

Show comments