^

Metro

Vendor dedo sa dating kaalitan

-

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang suspek ang isang puto vendor, habang kritikal naman ang kondisyon ng kaibigan nito kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Fernan Ariola, 23, ng Perla St., Tondo sanhi ng tama ng bala sa ulo, leeg, at dibdib nito habang nasa kritikal na kondisyon naman ang kaibigan nitong si Jason Atilano, 20. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa dalawang nagsitakas na suspek sakay ng isang motorsiklo na kapwa armado ng baril.

Sa isinagawang pagsisi­yasat dakong alas-5:10 ng ma­daling araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Quezon at Chesa Sts., sa Tondo. Bago maganap ang insidente nasa   ka­sarapan ng inuman ang da­lawang biktima at kapatid ni Ariola na si Francis nang ma­ubusan sila ng alak.

Napagkasunduan umano ng dalawang biktima na bumili ng maiinom na alak sa malapit na tindahan samantalang si Francis ay nagpaiwan sa lugar na kanilang pinag-iinuman.

Hindi pa naka­kalayo ang da­lawang biktima nang du­mating ang dalawang suspek lulan ng kanilang motorsiklo at walang tigil umano ang mga ito na binubusinahan ang mga biktima.

Nagulat na lamang umano si Francis nang makitang pina­uulanan na ng bala ng mga suspek ang mga biktima bago mabilis na nagsitakas. Nani­niwala ang mga awtoridad na dati nang kaalitan ng mga biktima ang mga suspek kaya’t niresbakan nila ang mga ito. Gemma Amargo-Garcia

vuukle comment

ARIOLA

BIKTIMA

CHESA STS

FERNAN ARIOLA

GEMMA AMARGO-GARCIA

INAALAM

JASON ATILANO

PERLA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with