^

Metro

Minority councilors pipigilan ang Pandacan oil depot

-

MANILA, Philippines - Binatikos ni Manila 3rd district Councilor at Minority Floor Leader Letlet Zarcal si Manila Mayor Alfredo Lim dahil sa pag-‘turnaround’ nito sa isyu ng Pandacan oil depot kasabay ng pag­­sasa­bing isa itong “Houdini escape” dahil sa maraming pagpuna sa muling pagpa­panatili ng mga petroleum companies sa Maynila. Ayon kay Zar­cal, tila naghu­hugas-kamay umano si Lim sa nilikhang administrative measure na itinulak ng mga kaalyansa nitong konsehal sa pa­ma­magitan nang pag­pasa sa isang ordinansa na mag­papanatili sa mapa­nga­nib na oil depot sa lungsod. Klinaro ni Zarcal na pana­hon ni dating Manila Mayor Lito Atienza nang apruba­han ang ordi­nances 8027 at 8119 na nagba-ban sa mga oil depots sa Panda­can at nag-uutos sa relo­kasyon ng mga ito. At sa panahong ito, sa admi­nis­trasyon umano ni Lim na nagkaroon ng rail­roaded ng majority coun­cilors at ina­mend ang na­unang ordi­nansa para muling i-accommodate ang mga oil depot sa Maynila. Paano niya (Lim) masa­sabing prayoridad nya ang mga residente malapit sa oil depot samantalang mga ka­­alyado nya sa konseho ang nag­tulak na manatili ang mga ito,” pahayag pa ni Zarcal. Ipinaalala ni Zar­cal na ang paglilipat sa mga oil depot ay na-upheld ng Korte Suprema. “Ang ka­lig­ta­san ng mga mama­mayan at proteksyon ng ka­pa­li­giran ang dapat na ma­naig at hindi ang mga ma­ka­sariling layunin,” dagdag pa nito.

AYON

BINATIKOS

KORTE SUPREMA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MAYNILA

MINORITY FLOOR LEADER LETLET ZARCAL

SHY

ZARCAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with