^

Metro

2 tauhan ng MMDA dedo sa motorsiklo

-

MANILA, Philippines - Dalawang tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nasawi sa isang self-vehicular accident sa Nagtahan Bridge, sa Sta. Mesa, Maynila, kama­kalawa ng gabi. Dead-on-the-spot si Zaldy dela Cruz, habang namatay sa pagamutan ang angkas nitong si Arnel H. Bulanday, at ang isa pang biktima na gina­gamot sa De Ocampo Hospital na si Arnel Canaets, 27. Sa report ng pulisya, dakong alas-10:15, kamakalawa ng gabi nang maganap ang insidente sa South-bound ng Nagtahan flyover, sa Sta. Mesa. Nabatid na sakay ang tatlo sa isang Honda Wave na motorsiklong may plakang HU-1766 nang biglang tumilapon dahil sa pa­gewang-gewang na pagmamaneho umano ni Dela Cruz at pagbunggo nito sa rehas na bakal ng tulay. Kagyat na binawian ng buhay si Dela Cruz, ang driver ng motor­siklo habang alas-2:10 ng madaling-araw idineklarang patay si Bulanday. Batay din sa impormasyon, galing umano sa inuman ang mga biktima at posibleng hindi na nagawang mabalanse ni Dela Cruz ang pagma­maneho. Nakatalaga umano ang tatlo sa sidewalk clear­ing operations ng MMDA sa Maynila. (Ludy Bermudo)

ARNEL CANAETS

ARNEL H

BULANDAY

DE OCAMPO HOSPITAL

DELA CRUZ

HONDA WAVE

LUDY BERMUDO

MAYNILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAGTAHAN BRIDGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with