^

Metro

NCRPO umalerto sa 1 oras na pagdidilim

-

MANILA, Philippines - Inalerto na kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Leopoldo Bataoil ang buong puwersa ng pulisya sa pagpapatupad ng isang oras na blackout sa buong Metro Manila at iba pang   bahagi ng bansa kaugnay sa pag-oobserba sa Earth Hour 2009 sa buong mundo ngayong araw na nagla­layong labanan ang ‘global warming’. Sinabi ni Bataoil, na ang hakbang ay upang matiyak na hindi makaka­pagsa­mantala ang mga elementong kriminal para magsagawa ng illegal na aktibidades habang inoobser­bahan sa Metro Manila ang Earth Hour. Ang Earth Hour ay isasagawa sa ganap na alas 8:30 ng gabi hanggang alas-9:30 ng gabi kung saan maka­ka­ranas ang bansa ng isang oras na blackout. Ayon kay Bataoil, binigyan na niya ng direktiba ang lahat ng mga district directors, chiefs of police, station com­manders at lahat ng mga unit heads na mag-deploy ng karagdagang police personnels sa Metro Manila habang inoobserbahan ang Earth Hour. Partikular na mahigpit na babantayan ay ang mga crime prone areas at mga commercial centers. (Joy Cantos)

ANG EARTH HOUR

AYON

BATAOIL

CHIEF DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

EARTH HOUR

JOY CANTOS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with