^

Metro

Metrowide crackdown vs illegal drugs pinaigting

-

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Leopoldo Bataoil ang malawakang crack­down laban sa pamamayagpag ng illegal na droga sa buong Metro Manila. Ang direktiba ay ipinalabas ni Bataoil kasunod ng serye ng pagka­kalansag sa limang laboratory ng shabu at pagkakaaresto sa mga Chinese drug traffickers sa loob lamang ng isang linggong drug bust operation.

Kasabay nito, muli ring binalaan ni Bataoil ang mga com­manders ng pulisya sa Metro Manila na tatamaan ng one strike policy sa sandaling mabigong sugpuin ang illegal na droga sa kanilang nasasakupan. Inatasan ni Bataoil ang lahat ng mga District Police Directors at Chiefs of Police sa Metro Manila na pag-ibayuhin pa ang kam­panya laban sa illegal na droga partikular na sa mga shabu dens at tiangge sa hurisdiksyon ng mga ito.

Ayon kay Bataoil, nagpalabas rin siya ng direktiba na dagdagan pa ang ipinakalat na mga intelligence operatives upang magsa­gawa ng intelligence operations sa mga pinaghihinalaang dayu­hang drug manufacturers at suppliers, gayundin ang mga pushers, traffickers at operators ng mga drug dens. Ipinag-utos rin ng heneral sa kaniyang mga commanders na kastiguhin ang mga tiwaling pulis at iba pang mga miyembro ng mga ahensyang tagapagpatupad ng batas na mapapatunayang sangkot at protektor ng illegal na operasyon ng droga.

Ipinaalala rin ni Bataoil sa mga commanders ng NCRPO ang one strike policy   kapag nakalusot sa mga ito ang operasyon ng illegal na laboratoryo ng droga, drug den o distribution center, shabu tiangge o mga bodega ng illegal na droga sa kanilang nasa­sakupan lalo na at ibang unit ang nakapagsagawa ng raid o naka­tuklas nito. (Joy Cantos)

BATAOIL

CHIEF DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

CHIEFS OF POLICE

DISTRICT POLICE DIRECTORS

IPINAG

JOY CANTOS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with