^

Metro

Gabriela kakasuhan

-

MANILA, Philippines - Upang matigil na umano ang paggamit ng mga menor-de-edad sa hanay ng mga rali­yista, nakatakdang sampahan ng kaso ng Manila Police District (MPD) ang militanteng grupong Gabriela, bukod pa sa patuloy na pagsasagawa ng kilos pro­testa sa ‘no rally zones, sa Maynila.

Mali umano ang taktika ng mga militante na gamitin ang mga kabataan bilang frontliners upang hindi sila maitaboy ng mga anti-rally police.

Hawak na ni MPD Director General Roberto Rosales ang footages ng rally, litrato  na may makikitang menor de edad sa hanay ng raliyista at mga pa­hayag ng mga saksi, bilang ebi­densiya sa paghahain ng kaso.

“We have gathered pieces of evidence, including videos, pictures, and witness accounts to bolster the case against them,” ani Rosales.

Bukod sa ginagawang pa­nanggalang ang mga bata na nalalagay din sa panganib ang buhay, ginagamit din ang mga ito para makakuha ng simpatiya sa publiko at maging sa inter­national community.

Maaari rin naman umanong magdaos ng rally sa itinakdang lugar, pinipilit pa umano ng mga raliyista na magtungo sa ‘no rally zones’ tulad ng US Em­bassy sa Roxas Boulevard.

Kasong paglabag sa Batas Pambansa 880  (rallying without permit) at paglabag sa Republic Act 7610 ( Anti-Child Abuse Act) under the provision prohibiting the corruption of minors and reck­lessly exposing minors to danger ang isa­sampa laban sa Gabriela sa Manila Prosecutor’s Office kaugnay sa naganap na rally noong nakalipas na Miyer­kules, kung saan nagkasakitan ang mga raliyista at pulis sa isang anti-VFA rally. (Ludy Bermudo)

ANTI-CHILD ABUSE ACT

BATAS PAMBANSA

DIRECTOR GENERAL ROBERTO ROSALES

GABRIELA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA PROSECUTOR

RALLY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with