^

Metro

Retired Navy General arestado sa away trapiko

-

MANILA, Philippines - Inaresto ang isang retired General ng Philippine Navy na sina­sabing classmate ni retired PNP chief Dir. Gen. Arturo Lumibao makaraang umano’y pagmu­murahin at tutukan pa nito ng baril ang isang opisyal ng Pasay City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil lamang sa simpleng away-trapiko, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ang suspect na si Cesar Carandang, 62, ng   Som­mer­set Building, Leveriza St., ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa reklamo ni SJO-4 Ramon Carolino, 38, residente ng Leveriza St., Pasay City, sakay siya ng kanyang scooter pa­tungong Vito Cruz nang mun­tik na siyang masagi ng mina­manehong itim na kotseng Galant ng suspect.

Sa halip na humingi umano ng paumanhin sa kanya ay ang retiradong heneral pa ang nagalit, sabay bunot ng baril na kalibre 9mm saka itinu­tok sa kanya.

Mabuti na lamang umano at naagapan ni Carolino na sung­gaban ang binunot na baril ng matanda at kanya itong na­agaw.

 Dahil dito nahaharap sa kasong grave threat at illegal possession of firearms ang sus­pect dahil lumalabas na walang kaukulang lisensya ang baril na ipinantutok nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ARTURO LUMIBAO

CESAR CARANDANG

LEVERIZA ST.

PASAY CITY

PHILIPPINE NAVY

RAMON CAROLINO

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with