^

Metro

Cybersex den ni-raid

-

MANILA, Philippines - Isang internet shop na ginagamit bilang “front” ng cybersex prostitution ang sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) kung saan naaresto ang may-ari at tatlong lalaking “chatters” sa Novaliches, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang sinasa­bing may-ari ng internet café na matatagpuan sa Block 12 Lot 4 Crista Verde Street, Forest Hills Subdivision, Novaliches na si John Paul Alcantara habang itinago naman ang pagkakaki­ lanlan ng tatlong chatters.

Nakalaya rin naman si Alcantara mata­pos na mag­ hain ito ng P200,000 pi­yansa sa kasong pagla­bag sa Human Trafficking Act.

Sinabi ni Chief Insp. Cherry Lou Donato, ng QCPD-Childrens and Wo­mens Desk, na nadis­kubre nila ang naturang cybersex den matapos na isang ginang ang lumapit sa kanila at isinumbong ang ginaga­wang iligal na pag­ta­trabaho ng kanyang pa­mangkin sa naturang internet café.

Ayon sa pulisya, ang mga graphic pornographic videos ay naka-display sa monitor ng mga computer ng internet café kung saan pinatatakbo nito ang web­site na “www.adultfriend­ster.com” na madalas pina­pasok ng mga online clients mula sa ibang mga bansa.

Nabatid na nagpa­pang­gap na mga babae ang mga lalaking chatters sa kanilang mga kostumer na nagba­bayad sa pama­magitan ng credit card. Ang mga “pre-taped” na mala­laswang ek­sena ng mga babae naman ang ipi­napakita ng mga chatters upang maloko ang mga kostumer nila.

Ayon sa pahayag ng may-ari na dalawang linggo pa lamang siya sa operas­yon ng internet café at hindi binabayaran ang mga lalaki ngunit pinapa­ga­mit lamang niya ng libre ng internet. Nabatid pa na wala ding business permit na mag-operate ang may-ari ng in­ternet café. (Danilo Garcia)

AYON

CHERRY LOU DONATO

CHIEF INSP

CHILDRENS AND WO

CRISTA VERDE STREET

DANILO GARCIA

FOREST HILLS SUBDIVISION

HUMAN TRAFFICKING ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with