^

Metro

Shabu laboratory sa Quezon City sinalakay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isa na namang shabu laboratory sa loob ng isang eksklusibong subdi­bisyon ang sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, National Capital Region Police Office at Quezon City Police District kung saan nakumpiska ang mga kemikal at kagamitan sa paglikha ng shabu.

Sa inisyal na ulat ng PDEA, dakong alas-10 ng umaga nang salaka­yin ang dalalawang pala­pag na apartment na gina­wang laboratoryo sa may #192 Calamba Street, Talayan Village, Brgy. Talayan, Quezon City.

Habang isinusulat ito, nakapagtala na ang mga nag-iimbentaryo na ta­uhan ng PDEA ng nasa tatlo hanggang limang kilo ng finished product na shabu, liquid methamphetamine, mga precursors at iba’t ibang equipments. Po­sible umanong aabot sa P40 milyon ang nakumpis­kang mga “finished pro­duct” sa natu­rang laboratoryo.

Wala namang na­aresto sa naturang pag­sa­lakay kung saan maa­aring nilisan ito ng sin­dikato matapos ang sunud-sunod na atake sa mga shabu laboratory sa Cainta, Rizal; Binondo, Maynila; at Navotas City.

Nabatid kay NCRPO chief, Director Leopoldo Bataoil na natuklasan nila ang naturang paniba­gong shabu lab matapos na ituro mismo ng Taiwa­nese chemist na si Cai Xihe na una nang na­aresto ng mga awtoridad sa isa pang shabu lab sa Cainta, Rizal na una nang sinala­kay nitong nakaraang Marso 20. Idinagdag pa ng opis­yal na malaking papel ang ginagampanan ni Cai sa operasyon ng mga shabu lab sa bansa dahil sa ito ang umiikot upang ins­pek­syunin ang kalidad ng iligal na droga na kanilang nililikha.

CAI XIHE

CAINTA

CALAMBA STREET

DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NAVOTAS CITY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with