Bagets nag-amok todas sa pulis

MANILA, Philippines - Patay ang isang binatilyo ma­tapos pagbabarilin ng isang kagawad ng pulisya makara­ang magwala ang una sa loob ng kulungan ng Pasig City Police at manaksak na nag­resulta sa pagkakasugat ng walo pa katao kabilang ang isang pulis dito bago mag-hatinggabi kama­kalawa.

Kinilala ni Senior Supt. Ra­mon de Jesus, hepe ng Pasig Po­lice ang nasawi na si Jona­than Tiplado, ng Buli Creek, Brgy. San Miguel sa lungsod. Siya ay nabaril ni SPO1 Ro­gelio Baltazar, im­bestiga­dor ng Cri­minal Inves­tigation Branch (CIB) ng Pasig City Police.

Sugatan naman sa pag­wa­wala ng suspect sina SPO2 Rodolfo Salamanca, desk officer; Jayson Imperial, 17, Niño Solomon, Von Rommel Obiz; Jhon Keith Jimenez, pawang mga menor-de-edad na preso; Benjamin Perez, security forces; Alexander Burata; Joseph Brenquillo, 22. 

Sa imbestigasyon, nang­yari ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa loob mismo ng CIB ng Pasig City Police na matatagpuan sa Pariancillo Park sa lungsod.

Nauna rito, itinurn-over si Tiplado ng tropa ng Batas Ciudad Enforcement Office (BCEO) sa pulisya matapos ares­­tuhin dahil sa pananak­sak kay Brenquillo ng Cainta Rizal na nangyari sa may Bulik Creek, Brgy. San Miguel.

Ayon sa ulat, walang ka­malay-malay ang awtoridad na may nakatago pa palang pa­talim sa brief ng suspek kung kaya habang kinakap­kapan ito ng kapwa menor-de-edad na preso ay biglang hinugot ng suspect ang patalim nito saka nagsi­mulang maghuramentado bago inatake ng saksak ang mga huli.

Nang makita ito ni Sala­manca ay agad na sumaklolo at tinangkang awatin ang sus­pek ngunit maging ito ay inun­da­yan din ng saksak ng bina­tilyo, saka mabilis na tumakbo palabas ng presinto.

Kahit sugatan, hinabol pa ni Salamanca at Baltazar kasama ang grupo ng BCEO ang sus­pek, at pagsapit sa Brgy. Sta. Cruz ay nagsisigaw ng tulong ang mga una na nagbigay atensyon kay Perez at tinangka ring harangin ang huli ngunit maging ito ay sinaksak din sa katawan ng huli. Nang papa­lapit na si Baltazar sa suspek ay hinika­yat nito ang huli na su­muko, ngunit sa halip na tumu­gon ay mabangis na hinarap pa siya nito at inatake ng saksak. Agad namang naka-iwas si Baltazar at mapilitang barilin ang suspek.

Ayon kay Baltazar, sa unang bala na tumama sa suspek ay bumuwal ito, ngunit ilang se­gundo ay muli na naman itong tumayo at akmang susugurin siya kung kaya wala siyang nagawa kung hindi muli niya itong paputukan ng ilang beses sa katawan na ikinamatay nito.

Show comments