Serbisyo ng Gat Andres palalawakin
MANILA, Philippines - Upang mas mabigyan ng maayos at mabilis na libreng serbisyong medikal ang mga residente ng Maynila, sisimulan na rin ang pagpapalawak ng gusali ng Gat. Andres Bonifacio Medical Center na mayroon tatlong palapag na popondohan ng lokal na pamahalaan ng Maynila at donasyon mula sa iba’t ibang sektor. Ayon kay Gat. Andres Bonifacio Medical Center Director Dr. Evangeline Morales, nais nilang maisakatuparan at makumpleto ang lahat ng serbisyo sa naturang ospital dahil karamihan sa mga dinadala dito ay mga mahihirap at walang sapat na panggastos. Pinayagan siya ni Manila Mayor Alfredo Lim na gamitin sa expansion ang katabing basketball court at ilang bakanteng lugar. (Doris Franche)
- Latest
- Trending