^

Metro

Taxi driver hinoldap ng 2 estudyante

-

MANILA, Philippines - Bigo na sa pangho­holdap ay nabigo pang makatakas ang dala­wang estudyante uma­no ng Philippine Maritime Institute Colleges na tumalon pa sa Pasig River nang habulin ng pulis at taumbayan, kahapon ng madaling araw sa Ermita, May­nila.

Bukod sa kasong attempted robbery, si­nampahan din ng rek­lamong frustrated homicide ang mga suspek na sina John Warren Lu­mahan, 20, residente ng #1 Salamat st., Zone 1, Signal Village, Taguig City at Ernesto Gotido, 22, ng Burke Bldg., Sta. Cruz, Maynila.

Inireklamo sila ng pananaksak sa bik­timang si Benjamin Pe­lonio, 30, isang taxi driver na hinoldap nila sa may Liwasang Boni­facio sa naturang lunsod.      

Sinubukan ng driver na agawin ang patalim ng mga suspek pero siya ang nasaksak ng mga ito.

Nang lapitan ng ilang usisero ang taxi na nasa komosyon ay mabilis na tumakbo ang dalawang suspek at agad namang rumes­ponde ang mga pulis na nakatalaga sa MPD-Station 5-Plaza Lawton.

Tumalon pa sa Ilog Pasig ang dalawa upang hindi maabutan ni PO3 Melchor Cariño at taumbayan subalit iniahon sila sa Ilog at bi­nitbit sa presinto. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BENJAMIN PE

BURKE BLDG

ERNESTO GOTIDO

ILOG PASIG

JOHN WARREN LU

LIWASANG BONI

LUDY BERMUDO

MELCHOR CARI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with