8-anyos durog sa tren

MANILA, Philippines - Halos hindi na ma­kilala ang lasug-lasog na mukha at katawan ng isang walong taong gulang na batang lalaki matapos masagasaan ng isang rumaragasang tren sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Marjo Velasquez, grade 2 pupil, ng #759 Int. 51 Raxabago st., Tondo.

Sinasabi sa ulat ni SPO4 Mario Jorge ng Manila Traffic Bureau na dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa riles ng tren na nasa bahagi ng Yuseco at Dagupan Streets sa Tondo.

Naglalaro lamang sa tabi ng riles ang bata nang madulas ang kaliwang paa patungo sa isang nakatiwang­wang na hukay.

Nahihirapang maka­labas sa hukay ang bata kaya, nang dumaan ang isang rumaragasang tren patungong timog, na­­sagsaaan ang mu­rang katawan ng bik­tima na nagmistulang giniling na laman.

Ayon sa mga resi­den­teng nakasaksi, uma­ga pa lamang ay naglalaro na ang bata sa tabi ng riles at nakita na rin nilang sumasabit o umaangkas sa mga humihintong tren.

Gayunman, iniim­bes­­tigahan pa ang insi­dente upang matukoy kung may pananagutan din ang gumawa ng hukay na kinahulugan ng bata. Nabatid na wala itong takip o ba­bala man lamang ang nagpagawa nito.

Show comments