PRRC tutol din sa pagpapanatili ng oil depot
MANILA, Philippines - Malamang na masayang lamang ang proyekto ng pamahalaan at ng iba’t ibang sektor na malinis ang Pasig River kung patuloy na papayagan ang pananatili sa Maynila ng mga oil depot.
Ang hakbang ay reaksiyon ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa plano ng Manila Councilors na amyendahan ang Ordinance 8119 o ang Manila’s comprehensive zoning plan na magreresulta ng posibleng pagpapanatili ng mga oil depot sa naturang lunsod.
“It is so unfortunate that whenever we get to start something good and worthwhile like cleaning up the Pasig River, something comes up to turn these efforts inutile,” pahayag ni Architect Deogracias Tablan, executive director ng Pasig River Rehabilitation Commission.
Ang PRRC ay pinangasiwaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Partikular na kinokondena ni Tablan ang panukalang ordinansa ni Manila Councilor Arlene Koa na nagre-reclassify sa land zonings sa Maynila at ma-accommodate muli ang medium at heavy industries sa lunsod. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending