^

Metro

Rolito Go 11-taon pa ang bubunuin sa Bilibid

- Rose Tamayo-Tesoro -

MANILA, Philippines - Malabo pa umanong mapalaya si convicted murderer Rolito Go gaya ng pagpapalaya kamaka­lawa ng umaga kay   da­ting Zamboanga del Norte Cong. Romeo Jalosjos mula sa New Bilibid Prisons (NBP) ng Muntinlupa City.

Ito ay matapos kum­pir­mahin ni Bureau of Cor­rection (BuCor) Direc­tor Oscar Calderon na kailangan pa umanong bunuin ni Go ang 11-taon sa nalalabing sentensiya nito sa loob ng bilang­guan kahit pa man na­ilipat na ito sa minimum compound mula sa maxi­mum security compound ng NBP. 

Ayon kay Calderon, mahaba-haba pa ang mga taon na bubunuin ni Go kung kaya’t malabo itong sumunod kay Ja­los­jos. Kasabay nito, ni­linaw rin ng BuCor na walang special treatment sa pag­papalaya kay Jalosjos dahil umaabot na umano sa mahigit 420 na bi­langgo ang napa­laya simula noong Enero 1.

Inihayag pa ni Cal­deron na ang trabaho lamang nila ay matiyak na napagsilbihan at na­kumpleto na ni Jalosjos ang kanyang sentensiya sa loob ng kulungan at kung may bumabatikos na kulang pa ang kan­yang sentensiya ay nara­rapat sana na isinagawa ito noong nagsasagawa pa ng pagdinig ang Board of Pardon and Parole upang madagdagan at matuwid ito.

Iginiit pa ni Calderon na noong nasa loob pa ng kulungan si Jalosjos ay magandang pag-uugali umano ang ipina­kita nito dahil maraming bilanggo ang kanyang tinulungan, kung kaya’t nabawasan ang haba ng kanyang sentensiya.

Giit pa ni Calderon na wala na umanong maka­pipigil pa sa paglaya ni Jalosjos dahil kumpleto na ang mga dokumento para sa paglaya ng na­turang convicted rapist.

BOARD OF PARDON AND PAROLE

BUREAU OF COR

JALOSJOS

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISONS

NORTE CONG

OSCAR CALDERON

ROLITO GO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with