Salpukan ng 2 bus: 16 sugatan

MANILA, Philippines - Sugatan ang 16 na katao matapos magsalpukan ang dalawang bus sa Caloocan City kahapon ng umaga. Agad na dinala sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga sugat sa katawan ang mga biktima.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injuries si Romel Sales, 24, driver ng Precious Grace Transport, na may   plakang TXT-791. 

Ayon sa report ng pulisya, alas-7 ng umaga, binabagtas ni Sales ang C-3 Road, nang gitgitin ito ng isang trailer truck na naging dahilan upang kabigin pakanan ni Sales ang manibela.

Nasalpok ni Sales ang United Workers Transport, na may   plakang NBJ-315, na pumi-pick up ng pasahero at mina­ma­neho ni Domingo Garcia. Sa lakas ng impact ay nayupi ang harap ng bus ni Sales at nagkarambola sa loob ang mga pasahero nito. (Lordeth Bonilla)

Show comments