^

Metro

Kabilang ang nobyo: Dalagita ginang-rape ng 4

-

MANILA, Philippines - Kiss mark sa dibdib  ang naging susi upang mapaamin ang 15-anyos na dalagita ng kan­yang ama sa halinhinang panggagahasa umano ng apat na bagets kabilang ang nobyo ng una, kama­kalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Idinulog ng biktimang itinago   sa pangalang “Lotlot”, out-of-school youth, ng Sam­paloc, Maynila,  kasama ang kanyang amang hindi nagpabanggit ng pangalan sa Manila Police District-Station 4, ang reklamo laban sa mga suspek na itinago sa pangalang  Jun, 15; George, 16; at  Joseph, 16, at ang 17-an­yos na nobyo ng biktima na itinago sa pangalang Wally.

Nabatid na dakong alas- 3:30 ng madaling-araw ay nag­duda umano ang ama sa hitsura ng anak hanggang sa makita ang marka o kiss mark sa dibdib nito kaya sapilitang pinaamin.

Dahil dito, agad na nagsum­bong sa barangay officials ang mag-ama hinggil sa pangha­halay kaya isa-isa umanong tinungo ng mga tanod at opisyal ang bahay ng mga suspek sa Craig St.

Nasa kasagsagan umano ng tulog nang arestuhin ang mga suspek at dinala sa MPD-Station 4. Nang imbestigahan, umamin ang nobyo ng biktima kay PO2 Anna Lopez ang paki­kipagtalik sa biktima at ibinun­yag na matagal na nila uma­nong ginagawa iyon subalit idi­nepensa nito na may iba pang gumalaw sa dalagita.

Subalit kinontra ito ng bik­tima at sinabing ang tatlong ka­barkada ay gumamit din sa kanya habang lasing na lasing ang nobyo.

Una rito, isang barkadang tomboy ng biktima umano ang nagyaya na makipag-inuman at isinama nila si Wally at idinaos ito sa bahay ng isang suspek kung saan nakainuman din ang dalawa pang suspek. Nang ma­lasing at makatulog umano si Wally ay pinilahan na ang bik­tima ng tatlong kainuman.

Hinihintay pa ng pulisya ang medico-legal result at pag-aaralan kung ang lahat ay masa­sampahan ng kasong rape dahil may batas na nagbi­bigay ng proteksiyon sa mga menor-de-edad na hindi ma­aaring sampahan ng kaso o Juvenile Justice Law. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANNA LOPEZ

CRAIG ST.

DAHIL

JUVENILE JUSTICE LAW

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with