^

Metro

Pamunuan ng QCPD Station 6 kakasuhan ng NPC

-

MANILA, Philippines - Nakatakdang ireklamo ng National Press Club (NPC) ang pamunuan ng Quezon City Police District-Station 6 (Batasan) sa PNP-Internal Affairs Service (IAS) dahil sa umano’y pagiging inutil na masugpo ang naganap na bugbugan sa loob ng kanilang istasyon at pagpapakulong sa isang reporter at cameraman nitong Linggo ng madaling araw.

Sinabi ni NPC President Benny Antiporda sa panayam ng PSN na kanilang ire­reklamo ng posibleng “neglect of duty” ang mga naka-duty na pulis sa Batasan police station nang maganap ang insidente sang­ kot sina ABS-CBN/DZMM reporter Dexter Ganibe, cameraman Benny Ganelo at grupo ng magkapatid na Mary Jane Maulion, alyas Jacque­line; Luche Grace Maulion at Eddie Masurong.

Kabilang dito si Chief Insp. Alex Alberto na siyang naka­talagang “officer” nang ma­ganap ang insidente at si Supt. Antonio Yarra, hepe ng Batasan police station. Igini­giit ni Yarra na walang pagku­kulang na ginawa ang kan­yang mga tauhan dahil sa naawat naman umano ang salpukan ng dalawang panig at nagsampa rin ng kaso sina Maulion laban sa tv crew kaya nila ikinulong ang mga ito.

Bukod dito, nagpadala na ng liham ang NPC kay Cebu Rep. Raul del Mar kung saan pinaaksyunan nito sa mamba­batas ang ginawang pagsa­lakay sa television crew at paggamit sa kanyang pa­ngalan sa loob ng istasyon ng pulisya upang takutin ang mga pulis.

Sinabi naman ni QCPD Di­rector Chief Supt. Magtang­gol Gatdula na pinaiimbestigahan na niya ang posibleng kaku­langan ng kanyang mga tauhan. (Danilo Garcia)

ALEX ALBERTO

ANTONIO YARRA

BATASAN

BENNY GANELO

CEBU REP

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DANILO GARCIA

DEXTER GANIBE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with