^

Metro

Kelot na inaresto patay sa 3 tanod

-

MANILA, Philippines - Wanted ngayon sa pulisya ang tatlong barangay tanod makaraang iturong bumaril sa dalawang residente ng North Fairview, Quezon City na nagresulta sa pagkamatay ng isa kamakalawa ng gabi. Pinaghahanap ngayon ang mga suspek na sina Rashid Imrahim, Rakim Somiranao at Leonito Balganion, mga miyembro ng Barangay Police Security Officers (BPSO) ng Brgy. North Fairview, sa naturang lungsod. Ang mga ito ang itinuturong bumaril at nakapaslang kay Eutiqio Acibes Jr., 24, ng Namapa Compound, habang sugatan naman dahil sa ligaw na bala sina George Gonzales at Cuya Arimpa, kapwa resi­dente ng naturang lugar.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Homicide Sec­tion, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi malapit sa barangay hall ng naturang lugar.

Nabatid na unang dinakip ng mga tanod sina Acibes at Ronaldo Basea, 27, dahil sa reklamong pambabato sa mga pasahero ng jeep na dumaraan sa na­turang lugar. Habang naka­sakay sa tricycle, bigla na lamang nagkagulo hanggang sa barilin si Acibes habang nagawang makatalon at makatakas ni Basea.

Agad namang nagtungo sa istasyon ng pulisya si Basea kung saan iniulat ang naturang krimen. Hindi na na­gawang madakip ng pulisya ang mga suspek matapos na agad na magsi­takas ang mga ito. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ACIBES

BARANGAY POLICE SECURITY OFFICERS

BASEA

CUYA ARIMPA

DANILO GARCIA

EUTIQIO ACIBES JR.

GEORGE GONZALES

LEONITO BALGANION

NORTH FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with