^

Metro

Bagong Quezon City jail, ihihirit

-

MANILA, Philippines - Dulot ng mala-sardinas nang pagsisiksikan ng mga preso sa Quezon City Jail, iginiit ng konseho ang pagtatayo ng bagong QC jail. Ang QC jail ay nasa li­ku­­rang bahagi ng QC Police District Station 10 sa Kamuning.

Sa kanyang resolus­yon, iginiit ni QC Councilor Jorge Banal kay House Speaker Prospero Nog­ra­les at Congressman Junie Cua, chairman ng commit­tee on appropria­tions na maglaan ng pondo para sa pagtatayo ng ba­gong kulu­ngan na kukunin ang bud­get mula sa De­partment of Budget and Management (DBM) at Department of Interior and Local Govern­ment (DILG)

Ang Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP) na nasa ilalim ng DILG ang siyang may pa­ngu­nahing operational juris­diction sa lahat ng city at municipal jails sa bansa sa ilalim ng Republic Act 6975. Sa ngayon may 900 square meters ang QC jail na may 2,787 inmates na may minimum capacity lamang na 900 inmates.

Bunsod anya ng sob­rang dami ng preso sa QC jail, nagkakaroon ang mga ito ng iba’t ibang uri ng sakit bukod pa sa psychological distress ng mga ito na kung minsan ay nagreresulta ng riot sa pagitan ng mga preso. Noong taong 2006, isang resolosyon na ang ginawa ng QC Council na humihiling sa Kongreso na paglaanan ng budget ang pagpapatayo sa bagong piitan ng QC jail pero hindi naaksiyunan at ngayon isa na namang resolusyon ang ginawa sa konseho para sa kontruksiyon ng naturang kulungan. (Angie dela Cruz)

ANG BUREAU OF JAIL MA

BUDGET AND MANAGEMENT

CONGRESSMAN JUNIE CUA

COUNCILOR JORGE BANAL

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOG

JAIL

POLICE DISTRICT STATION

QUEZON CITY JAIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with