^

Metro

Rolito Go 'laya na'

-

MANILA, Philippines - Laya na sa maximum security com­plex ng National Bilibid Prison (NBP) Muntinlupa City ang convicted murderer na si Rolito Go matapos irekomenda ng Bureau of Correction (BuCor). Ayon kay Bureau of Correction (BuCor) Executive Di­rector Bartolome Busta­mante, gina­wang “live-out inmate” si Go base na rin sa rekomendasyon ni BuCor chief Oscar Calderon ng classifi­cation board.

Nabatid na hindi lamang si Go ang nabigyan ng naturang pagkakataon kundi pati na rin ang ilan pang preso na inilipat naman mula sa maximum security para sa medium and minimum security com­plex ng NBP. Mariin namang nilinaw ni Calde­ron na si Go ay hindi pa tuluyang lumaya kundi isa lamang “live-out inmate” sa kasalu­kuyan na may minimum security classi­fication. Kabilang naman sa mga inmates na nauna ng inilipat sa medium security complex ay ang kontrobersyal at convicted child rapist na si dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos.

Napag-alaman na iginagawad ng NBP ang “live-out status” sa mga preso na halos nakabuo na ng kanilang sentensiya at may prebilihiyong makapaglakad sa loob ng bilangguan na wala ng security escorts, ngunit kailangan mag-report pa rin ng mga ito sa minimum security com­plex ng Camp Bukang Liwayway kada-alas-5 ng hapon, araw-araw.

Napag-alaman na si Go ay nasa edad 60 na at nabuno na nito ang kalahati ng kanyang sentensiya at naging maganda rin ayon pa kay Calderon ang rekord nito habang nasa loob ng NBP.

 Si Go ay una ng nahatulan ng habam­buhay na pagkabilanggo matapos na barilin ang estudyanteng si Elton Maguan dahil lamang sa away-trapiko na nama­gitan sa kaniya at ng biktima noong taong 1991. (Rose Tamayo-Tesoro)

BARTOLOME BUSTA

BUREAU OF CORRECTION

CAMP BUKANG LIWAYWAY

ELTON MAGUAN

EXECUTIVE DI

MUNTINLUPA CITY

NAPAG

NATIONAL BILIBID PRISON

NORTE CONGRESSMAN ROMEO JALOSJOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with