^

Metro

City hall employees tututukan sa CCTV

-

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi kamakailan ni Deputy Mayor at Personnel Division Chief Joey Silva na hindi lamang para sa mga sindikato o mga kriminal ang ikinakabit na mga closed circuit television kundi para din sa kilos at galaw ng mga empleyado ng Manila City Hall.

Ayon kay Silva, layunin ng CCTV na mapigil ang anu­mang ilegal na transaksiyon, mga katiwalian at makilala ang mga empleyado na tamad pumasok at mga walang ginagawa sa kani-kanilang departamento.

“Kahit na wala ang mga hepe, makikita pa din ang kilos ng mga empleyado sa pamamagitan ng naka-program na monitor,” ayon kay Silva.

Gayundin, sinabi ni Silva na maglalagay sila ng bundy clock sa bawat opisina para makita kung pumapasok talaga ang mga empleyado.

Nauna dito, nabatid na ipatutupad ang walang break time na transaksion sa Manila City Hall para maiwasan ang paghi­hintay nang matagal ng publiko. (Doris M. Franche)

AYON

DEPUTY MAYOR

DORIS M

FRANCHE

GAYUNDIN

KAHIT

MANILA CITY HALL

NAUNA

PERSONNEL DIVISION CHIEF JOEY SILVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with