^

Metro

Mister nasawi sa init ng panahon

-

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang mister makaraang hindi nito na­kayanan ang sobrang init ng panahon, unti-unting nang­hina hanggang sa ito ay tuluyang malagutan ng hininga sa isang garahe kahapon ng umaga sa Las Piñas City.

Nakasubsob pa ang mukha nang madiskubre ang bangkay ni Macario Cabudsman Jr., 32, may-asawa, at naninirahan sa 12 Rosal St, Clinic Site, BF Homes, Parañaque City.

Ayon kay PO3 Ariel Gupana, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-7:30 ng umaga sa isang garahe sa 13 Naples St., BF Homes, Thai Village ng Bgy. CAA, Las Piñas City.

Isang Lorenzo Cruz, 27, maintenance worker ng ginagawang bahay ni Perfecto Diaz, 49, isang fashion designer, ang naka-diskubre sa bangkay ng biktima.

Ayon sa pahayag ni Cruz sa pulisya, nakita niya ang bang­kay ng biktima na na­ ka­han­dusay sa isang sulok ng ga­rahe kung saan hinihi­nalang kamamatay lamang nito.

Ayon naman kay Gng. Herminia, ina ng biktima, nitong tag-init ay madalas na idaing ng kanyang anak ang paninikip ng dibdib, nahi­hirapan uma­ no ito sa pag­hinga at bukod dito ay may sakit pa ito sa thyroid.

Naniniwala naman ang ginang na may kinalaman sa sobrang init ng panahon ang pagkamatay ng kani­yang anak kung saan ay unti-unting bumigay ang kata­wan ng huli dahil sa paninikip ng dibdib. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ARIEL GUPANA

AYON

CLINIC SITE

ISANG LORENZO CRUZ

LAS PI

MACARIO CABUDSMAN JR.

NAPLES ST.

PERFECTO DIAZ

ROSAL ST

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with