^

Metro

OFW inatado

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang overseas Filipino worker ang pinagtulungang saksakin hanggang ma­patay ng dalawang dati niyang kasamahan sa trabaho sa Sta. Ana, Manila kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Bernie Feleo, 40-anyos, may asa­wa, ng 240 Interior 4, Agustin San Francisco St., Sta. Ana.

Inilarawan naman ang pinaniniwalaang mga sus­pek na ang isa ay nasa pagitan ng 38-40 anyos, may taas na 5’6-5’7, semi-kalbo ang gupit ng buhok, nakasuot ng sando at dark blue na shorts habang ang kasama nito ay may edad sa pagitan ng 29-32 anyos, 5”6 hanggang 5’7 ang taas at may katabaan.

Nabatid na ang mga sus­pek ay OFW rin at naka­sama ni Feleo sa kanyang trabaho sa Taiwan.

Bago ang insidente, dakong 7:30 ay lumabas sa kanyang bahay ang biktima at nagtungo sa isang convenience store upang bumili ng alak at nang pagbalik ay kasama na ang dalawang suspek.

Kumain umano ang mga bisita bago nag-inuman, ayon naman sa isang Lucila Lopez, 47, pinsan ni Feleo.

Dakong alas-12:15 ng madaling araw nang magi­sing umano si Lopez sa sunod-sunod na katok ng biktima sa pinto ng kanyang kuwarto at humihingi ng saklolo. Nang buksan niya ang pinto ay nakitang du­guan sa saksak ang biktima at wala na ang mga bisita nito.

Hindi na rin natagpuan ang itim na beltbag ng biktima at dalawang cell­phone.

vuukle comment

AGUSTIN SAN FRANCISCO ST.

BERNIE FELEO

DAKONG

FELEO

INILARAWAN

ISANG

KUMAIN

LOPEZ

LUCILA LOPEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with