300 pulis ikakalat sa Metro Manila

MANILA, Philippines - Upang mapalakas pa ang kampanya laban sa krimi­nalidad, 300 pang karagda­gang pulis ang ipakakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Sinabi ni NCRPO chief, Director Leopoldo Bataoil, ang mga bagong PO1s ay hahatiin sa limang distrito sa Metro Manila para sa pagpapaigting pa ng seguridad sa pagtugon sa kriminalidad.

Ang mga bagong pulis ay sumailalim sa anim na buwang Basic Recruit Course at anim na buwang field training.

Kasabay nito, tiniyak ni Bataoil na malaki ang maitu­tulong ng mga ito sa police visibility at anti-crime opera­tions sa NCR.

Samantala, umapela ang PNP sa publiko na huwag ibunton sa kanila ang sisi sa magkakasunod na krimen sa Metro Manila.

Ito’y kaugnay ng nang­yaring pananambang na ikina­sugat nina Land Trans­portation NCR Director Ca­ milo Guarin at Department of Public Works and High­ways (DPWH) Undersecre­tary for Operations Ramon Aquino na nagresulta rin sa pagka­sugat ng driver at body­guard nito noong Martes at Miyer­kules sa Quezon City at Metro Manila, ayon sa pagka­kasunod.

Ayon kay PNP Spokes­man, Chief Supt. Nicanor Bartolome, puspusan ang pagbibigay seguridad ng pulisya sa buong bansa.

Gayunman, sinabi ni Bartolome kung may mga grupong nagnanais gumawa ng krimen ay gagawa ang mga ito ng paraan upang ma­lusutan ang mga awtoridad.

Iginiit ni Bartolome na ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa ay tungkulin hindi lamang ng mga pulis kundi ng buong sambayanan. (Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments