^

Metro

Gotesco nabawi na ng Caloocan government

-

MANILA, Philippines - “Tao ang panalo sa pagkakakuha ng Gotesco Grand Central Mall.”

 Ito ang inihayag ni Ca­loocan City Mayor Recom Echiverri matapos pormal na i-turn over ng Caloocan City Regional Trial Court-Branch 126 ang naturang mall sa pamunuan ng siyudad.

Ayon kay Echiverri, ang makokolektang buwis o kikitain ng lungsod sa na­turang mall ay siyang ga­gamitin ng pamahalaang lungsod para sa pagpapa­gawa ng mga proyekto ng siyudad tulad ng mga eskwelahan at kalsada at sa pagbibigay ng mga basic services sa mama­mayan ng Caloocan.

“Dapat noon pa nakina­bang ang Caloocan sa na­turang mall dahil matagal na rin sila rito pero dahil sa pinabayaan ito kaya’t tayo na lamang ang nag­habol,” anang alkalde.

Sinabi pa ni Echiverri na nakahanda siya sa mga ibabatong paninira ng pamunuan ng Gotesco Grand Central dahil ang importante sa kanya ay makikinabang na ang taga-Caloocan.

Nilinaw rin ni Echiverri, na ang talagang isyu rito ay ang hindi pagbabayad ng realty tax ng Gotesco Grand Central na umabot sa P722.3 milyon kaya’t nagulat na lamang siya sa mga mapanirang pahayag buhat sa mga abogado ng naturang kompanya.

Sinabi pa ng alkalde na “business as usual” na sa Gotesco kaya’t walang dapat ikabahala ang mga nangungupahan dito.

“Tuloy ang kanilang hanapbuhay hindi gaya ng pinalalabas ng mga abo­gado ng Grand Central na matatanggal sila sa pwes­to,” giit pa ni Mayor Recom.

Pinayuhan na lamang ni Mayor Echiverri ang mga nangungupahan dito na agad makipag-ugnayan sa city hall upang maipa­hayag nila na sila’y inte­resado na umupa sa pwesto sa naturang mall.

Nilinaw din ni Echiverri na ang sinasabing P30 mil­yon na ibinayad ng Gotes­co ay utang sa lupa at hindi sa mga atraso nito sa real property tax ng 23 taon. Buo naman ang pani­ni­wala ng mga taga-Calo­ocan na nasa mabuting kamay ang lungsod dahil sa ipinakitang political will ni Echiverri kahit malaki pang negos­yante ang nakabangga nito.

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT-BRANCH

CITY MAYOR RECOM ECHIVERRI

ECHIVERRI

GOTESCO GRAND CENTRAL

GOTESCO GRAND CENTRAL MALL

GRAND CENTRAL

MAYOR ECHIVERRI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with