^

Metro

3 pulis-Maynila laglag sa kotong

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dinakip kahapon ng ka­nilang mga kabaro ang tatlong pulis-Maynila kaugnay sa umano’y pangongotong ng hala­gang P66,000 cash at elec­tronic appliances, sa isang ne­gos­yanteng Tsinoy, sa Binon­do, Maynila, kahapon ng umaga.

Isinalang na kahapon sa interogasyon ng MPD-General Assignment Section (GAS) ang mga suspect na sina SPO1 Ferico Macasikay; SPO2 An­thony Blanco; at SPO2 Jaime Acusin, pawang nakatalaga sa MPD-District Mobile Patrol Unit (DMPU) dahil sa reklamo ng biktimang si Noel Sy, 30,.

Sa ulat ni MPD-Station 11 chief, Supt. Nelson Yabut, da­ kong  alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng tindahan ng amain ng biktima sa C.M. Recto Ave., Binondo. Sa salaysay ni Sy, siya ang nakabantay sa tindahan ng amaing si Emmanuel Reyes nang dumating sa tindahan ang mga pulis at inakbayan umano siya ng mga ito at inilabas sa tindahan. Sa labas ay inakusa­han siyang nagbebenta  ng mga nakaw na paninda.

Isa sa suspect naman ang pumasok muli sa tindahan at pinagkukuha di umano ang Asus Laptop (P14,000); Philipis DVD (P8,000); Hyundai Ka­raoke DVD player (P10,000); 2 Sony PSP (P18,000) at apat na Adaptor (P6,000) at inilagay sa kanilang Mobile car #363.

Bukod sa tinangay na mga paninda ay humingi pa umano ng halagang P10,000 ang mga pulis sa biktima kapalit ng hindi pag-aresto sa kanya..

Isang Armando Avillar, tiyu­hin ni Sy ang nag-abot umano ng halagang P10,000 para hindi na arestuhin ang biktima.

Dahil sa reklamo iniutos ni MPD Director Roberto Rosales ang pag-aresto sa mga pulis na kasalukuyang nasa kustodiya ng MPD-GAS.

ASUS LAPTOP

DIRECTOR ROBERTO ROSALES

DISTRICT MOBILE PATROL UNIT

EMMANUEL REYES

FERICO MACASIKAY

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

HYUNDAI KA

ISANG ARMANDO AVILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with